United States or Ecuador ? Vote for the TOP Country of the Week !


Na nacabubusog sa naroong lahat caya n~ga't ang toua nila'y hindi hamac, at niyong han~guin ang Santos Reliquias ay lalong maraming himalang namalas. Tanang man~ga lumpo, bulag sampong pipi ang pilay ay bucot sampong man~ga bin~gi, gumaling na lahat caya't di masabi yaong cagalacan sa gayong nangyari.

Saca nang dumating doon sa Aquisgran ay huminto sila sa isang Simbahan, at sa isang Altar nila ilinagay ang Santas Reliquias ni Jesús na mahal. Ang Simbahang yao'y sa mahal na Virgeng Nuestra de la Salud, at siya'y nagbilin, na sa taón-taó'y huag pasalahin na ang cafiestaha'y pilit gaganapin.

Sa buan nang Junio ay ipamamalas sa lahat nang tao ang Santas Reliquias, at man~gag-cacamit sila nang plenarias yaong Indulgenciang sa sala'y patauad. Pasiya nang Papa ang bagay na ito nang ipagcaloob sa cay Carlomagno, caya't guinaganap nang man~ga cristiano na tunay na lingcod nang Poong si Cristo.

Ualang di gumaling na man~ga may damdam doon sa Reliquias nang nacop pa tanan, caya't nan~gagpuri nang di ano lamang sa Dios na ualang hanggang caauaan. At saca isa pang sangol na patay na ang muling nabuhay na cataca-taca, dahil sa cay Cristong pacong mahalaga'y siyang naguing lunas na nagpaguinhaua.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap