United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
At yaong pinili na labindalawa ay pinasimulan yaong pagcacanta, nang Letania't Salmos namang iba't ibang pagbibigay puri sa Dios na Amá. Saca ang Prelado doon sa Napoles na cagalang-galang na ang n~gala'y David, binucsan ang Cofreng doo'y nasisilid ang cay Jesucristo na coronang tinic.
Tatlong daa't lima ang man~ga may sakít sa araw na yao'y gumaling na tikis, caya n~ga't sa puso nila'y nan~gatitic ang himalang yaon nang Dios sa Lan~git. Ang Prelado Daniel ay cumuha naman niyong isang paco nang nacop sa tanan, at sa relicariong guinto'y ilinagay isang bagong taong gumaling ang damdam.
Salita Ng Araw