United States or Serbia ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ang Gobierno n~g castilang nagpapacapagal n~g dî ano lamang sa iguiguinhawa n~g m~ga filipino, gayon ma'y hindî mangyaring dî niya gamitin ang fraileng magpacailan ma'y siyang bucál n~g ipinaghihirap n~g canyang m~ga sacóp na iyang pinagsisicapan niya ang pagtatamó n~g "magandang palad."
Ang catotohanan, bágay na ipangguilalás sa m~ga báyang iyan, cung ibubucod ang sariling pagmamalakí n~g bawa't isá sa canyáng nación.... Bago co paroonan ang isáng lupain, pinagsisicapan cong matalós ang canyáng historia, ang canyáng Exodo cung mangyayaring masabi co itó, at pagcatapos ang nasusunduan co'y ang dapat mangyari: nakikita cong ang iguiniguinhawa ó ipinaghihirap n~g isáng baya'y nagmúmulâ sa canyáng m~ga calayâan ó m~ga cadilimán n~g isip, at yamang gayó'y nanggagaling sa m~ga pagpapacahirap n~g m~ga namamayan sa icágagalíng n~g calahatán, ó ang sa canilang m~ga magugulang na pagca walang ibáng iniibig at pinagsusumakitan cung dî ang sariling caguinhawahan.
Ang pananalitâ co po'y hindî palaisipan, pinagsisicapan cong magsabi n~g maliwanag. Sa icapapanatag pô ninyó kinacailan~gang sapantahain n~g inyóng m~ga caaway na cayó'y hindî nag-aalap-ap at palagay ang loob ninyó: Umudlót si Ibarra. ¿Ang aking m~ga caaway? ¿May m~ga caaway ba acó?