United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang catotohanan, bágay na ipangguilalás sa m~ga báyang iyan, cung ibubucod ang sariling pagmamalakí n~g bawa't isá sa canyáng nación.... Bago co paroonan ang isáng lupain, pinagsisicapan cong matalós ang canyáng historia, ang canyáng Exodo cung mangyayaring masabi co itó, at pagcatapos ang nasusunduan co'y ang dapat mangyari: nakikita cong ang iguiniguinhawa ó ipinaghihirap n~g isáng baya'y nagmúmulâ sa canyáng m~ga calayâan ó m~ga cadilimán n~g isip, at yamang gayó'y nanggagaling sa m~ga pagpapacahirap n~g m~ga namamayan sa icágagalíng n~g calahatán, ó ang sa canilang m~ga magugulang na pagca walang ibáng iniibig at pinagsusumakitan cung dî ang sariling caguinhawahan.
Salita Ng Araw