United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Aba! ¿icaw pala? ang biglang sinabi nito, na lumin~gon at nagpapacunwari n~g pagtataca; pumapayag ba ang capatid mo sa sinabi co sa canya ó naparito ca't pumupusta? ¿Paanong ibig ninyong cami'y macapusta'y natalo na ang lahat naming salapi? ¿Cung gayo'y pumayag na cayo? ¡Aayaw siya! cung pautan~gin sana ninyo cami n~g caunti, yamang sinasabi ninyong cami inyong nakikilala....
¡Sandaang piso laban sa dalawampo, sa puti aco! ang sigaw n~g isang nagdaan. Pautan~gin ninyo cami n~g apat na piso ..., tatlo ... dalawa, ang ipinamanhic n~g lalong bata; pagdaca'y babayaran namin cayo n~g ibayo; pasisimulan na ang soltada. Muling kinamot n~g Lucas ang úlo. ¡Tst! Hindi akin ang salaping ito, ibinigáy sa akin ni Don Crisóstomo at inilalaan sa m~ga ibig maglingcód sa canyá.