United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !


Capatid co, ani Bruno, acó'y yayao, cung hindi ca magpapasiya; nanatili ang "regla", dapat manalo ang lasak at hindi n~ga dapat nating sayan~gin ang panahón. Ibig cong pumusta sa susunod na soltada; ¿anó bagá mangyayari? Sa ganyá'y maipanghihiganti natin ang tatay. Gayon ma'y huminto at muling nagpahid n~g pawis. ¿Anóng dahil

¡Sandaang piso laban sa dalawampo, sa puti aco! ang sigaw n~g isang nagdaan. Pautan~gin ninyo cami n~g apat na piso ..., tatlo ... dalawa, ang ipinamanhic n~g lalong bata; pagdaca'y babayaran namin cayo n~g ibayo; pasisimulan na ang soltada. Muling kinamot n~g Lucas ang úlo. ¡Tst! Hindi akin ang salaping ito, ibinigáy sa akin ni Don Crisóstomo at inilalaan sa m~ga ibig maglingcód sa canyá.

Capanig ang pitac na ito n~g isá pang lalong malaki n~g caunti, isang pinaca salas, na pinagtitipunan n~g madla bago gawin ang m~ga "soltada". Nariyán ang pinacamarami sa m~ga manoc, na nan~gatatali n~g isáng lúbid sa lupa, sa pamamag-itan n~g isang pacong but-ó ó lúyong; nariyan ang m~ga tahur, ang m~ga malulugdin sa sabong, ang mananari: diyán nan~gagcacayari, nagninilaynilay, nan~gun~gutang, sumusumpa, nagtutun~gayaw, humahalachac; hinihimas niyón ang canyáng manoc, na pinaraanan n~g camáy ang ibabaw n~g makikintab na m~ga balahibo; sinisiyasat nama't binibilang nito ang m~ga caliskis sa m~ga paa; pinagsasalitaanan ang m~ga maiinam na gawa n~g m~ga bayani; diya'y inyóng mapapanood ang maraming m~ga mukhang malulungcót, na bitbit sa m~ga paa ang bangcay na wala n~g balahibo; ang pinacamahalmahal na hayop sa loob n~g ilang buwan, pinalayawlayaw at sa canya'y ipinagcatiwala ang lalong caayaayang m~ga pag-asa, n~gayo'y wala cung di isáng bangcay na lamang, na ipagbibili sa isáng peseta, upáng lutuing luya ang cahalo at canin sa gabí ring iyón: "sic transit gloria mundi". Pauwi na ang natalo sa canyáng bahay, na pinaghihintayan sa canya n~g esposang cacabacaba ang loob at n~g m~ga limalimahid na m~ga anac, na hindi na taglay ang caunting pamimilac at ang sasabun~gin.

¿Nalalaman mo ba cung anó ang sumusunod na soltada? ¿Carapatdapat ba ang?... ¡Bakit hindi! ¿hindi mo ba naririn~gig? Ang búlik ni capitang Basilio ang mapapalaban sa lásak ni capitang Tiago; ayon sa lacad n~g "regla" n~g sabong ay dápat manalo ang lásak. ¡Ah, ang lasak! acó ma'y pupusta rin ... datapwa't lumagáy muna tayo sa matibay na calagayan.