United States or Tonga ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni, ¿ano ang nasapit nang man~ga dalagang nag si si pag asaua sa pilit nang magulang? Marami ang napapahamac lalo,t, cun may ibang na iibigan. Nag papahayag nang óo sa ibig nang canilang magulang, n~guni ang puso,i, di rin inaalis sa canilang catipán. Ano pa ang nasasapit cun macasál na? Ang asaua,i, di mahalin nang loob, di pacundan~ganan, at palibhasa,i, di niya ibig.
N~guni,t, ang baua,t isa, ay may sariling copa ó vaso. Máy bucod namang brindis ó tagayan na isang tatlo apat lamang sa mesa ang nagtatan~goan nang ulo, na ang cahulugán, ay pa papáhayag nang cani canilang pagiibigan at pagmamahalan. Ang camahalan nang asal sa pagcain, sucat pagaralan hangang bata, nang pagca bihasahan, at nang di n~gan~gapa-n~gapa pagdating nang capanahonan.