United States or Seychelles ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni, ¿ano ang nasapit nang man~ga dalagang nag si si pag asaua sa pilit nang magulang? Marami ang napapahamac lalo,t, cun may ibang na iibigan. Nag papahayag nang óo sa ibig nang canilang magulang, n~guni ang puso,i, di rin inaalis sa canilang catipán. Ano pa ang nasasapit cun macasál na? Ang asaua,i, di mahalin nang loob, di pacundan~ganan, at palibhasa,i, di niya ibig.
Gayon din si Fidel doroon din naman at si Eduvigis siyang capanayam: uica nang lalaqui,i, tayo,i, naunahan houag ca na sanang mag-ayaoayauan. Nahahalata cong iyong iniibig aco,i, ang ligaya nang puso mo,t, dibdib, dan~gan marami ca na patumpic-tumpic tingnan mo ang atin n~gayo,i, nasasapit.