United States or Pakistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saa't saan man, at ang lahat halos n~g dako n~g panulakán n~g m~ga daang Azcarraga at Ilaya, ay kakikitaan n~g maraming m~ga manggagawa na ang m~ga mata ay pawang napapako sa iisang pook; sa maluwang na pinto n~g isang malaking bahay, n~g bahay pagawaan n~g tabako na kanilang pinapasukan. ¡Kay tagal nila...! ang pabulalas na wika n~g isa sa nagkakalipon.