United States or Malawi ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isang gabí pa akong nakatulog doon sa kalait lait na kulun~gang kinamatayán ni amá. Nang kinabukasan ay pinalabás akó sa tulong n~g ilang paló pa, kaya't sa pamagitan n~g muntíng lakás na nalalabí sa akin katawan ay naginót akong makaratíng sa aming bahay na inabot kong bukás at wala ang bangkáy ni iná. ¿Sino ang nagpalibing?
Sa pamagitan n~g may ari n~g baháy na aking tinuluyan, na gaya n~g pagkaalám mo'y aking hipag, ay pinadatíng ko sa dalaga ang sulat mo pong ipinabigay at inantabayanan ko ang sagót. May m~ga isang oras at kalahating nagantay, bago ko nakitang nabuksán ang bintana sa silíd at may isáng maputing kamáy na naghulog n~g kaputol na papel na aking pinulot at binasa.