United States or San Marino ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nariyan ang ilang paliwanag, na maaaring maging saligan, kung ibig, ng isang dalubhasang pagbubuu o pagpapanauli ng datihang "Florante". Sa kagandahang palad ay walang mga salita at pangungusap na nababago ang siping ito kay sa natatandaan ng mga anak ng dakilang Makata; at may mga kamalian man nga ito, ang kamalian ay di sa ano man kundi sa pagkakalimbag na lamang, at pawa namang nangahahalata sa unang malas pa lamang.