United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapoua cun ang may catauan ay totoong nagsasaquit nang pag-gaua, lalo pa cun hindi tungmatahan nang pananahi, ó paghabi, ó pagdurugtong nang abacá, at saca sungmasala siya sa oras nang pagcain, at nagugutom, ay houag siyang umasang gagaling.

Datapoua,t, cun hindi ma-aari ang di siya gumaua, uminom siya nang suero, ó gatas nang baca, ó calabao: ó cun maliuag sa caniya ito,i, uminom nang tubig na dinoonan nang sa icatlong bahaguiag suca. Ang man~ga babayi ay maraling magcasaquit, gaua nang paghabi, ó pananahi, ó pagdurugtong nang abacá, sapagca mahirap ang calagayan nang catauan doon sa pag-gaua noong man~ga gauang yaon.

Cung na sa bahay na,t, iyong mapanood yaong paglilinis niya,t, pag-aayos, ay mauiuica mo sa sariling loob ito ay babaying sa iba,i, nabucod. At cung maquita mo yaong casipagan niyong pananahi at paghabi naman, baca mo sabihin ito ang matapang babaying pinuri ni Salomong paham.

Cun maraming dugo ang inilulura nang maysaquit ay cailan~gang gamutin agad. Itong paglura nang dugo, cun minsan ay dala nang caramihang dugo nang may catauan, ó sapagca mahina, ó sala caya ang ibang casangcapan nang dibdib. Ang pagtacbo nang matulin, ang pag-inom nang alac, ang paghabi, ang pagsigao ó ang pagcacanta, ay parapara cun minsan yaon ang pinangagalin~gan noong saquit na yaon.

Bucod dito hangan hindi gumaling na totoo, ay masama sa caniya ang paghabi, ang pananahi, at ang pagdurugtong nang abacá. Nota Ang lungmulura nang dugo, ay magaling uminom nang catauan nang pacpac lauin na ilalaga sa tubig ga isang dacot carami. Yaong damo ay sungmisibol sa catauan nang cauong . Itong gamot totoong buti. Ang gamot sa sungmusuca nang dugo.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap