United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun yaong pagdaan nang sa bouan, ó sa panahon, ay sungmasala dahilan sa cauntian ó caramihan nang dugong nananaog, ay nagcacasaquit ang may catauan, lalo pa cun nauaualang lubos yaong ugaling saquit na yaon.
Datapoua cun ang may catauan ay totoong nagsasaquit nang pag-gaua, lalo pa cun hindi tungmatahan nang pananahi, ó paghabi, ó pagdurugtong nang abacá, at saca sungmasala siya sa oras nang pagcain, at nagugutom, ay houag siyang umasang gagaling.
Cailan~gang maalaman nang man~ga mangagamot na cun minsan mayroong tauo, na hindi man siya lagnatin ay dinaraanan din nang pagsaquit nang alin mang casangcapan nang catauan, na itong pagsaquit na ito ay hindi sungmasala sa caugaliang oras, cundi ang pag-uli ay husay, sa macatouid touing icalauang arao, ó arao-arao para nang saquit na pan~giqui.