United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun biglang nauala,t, tungmahan ang pagdahac, at ang maysaquit ay dinaraanang uli nang hirap at lungmulubha, ay sasangrahang agad sa camay, cun baga hindi siya quinunan na nang maraming dugo. Pasipsipin namang parati nang sin~gao nang tubig na mainit at suca; at paiinomin nang bilin sa número 2. Ito ang gagauin sa maysaquit na malacas pa, na hindi pa nalalauong magcasaquit.
Sasangrahan naman ang ganitong maysaquit cun siya,i, malacas pa; harí n~gang magsaoli ang canyang pagdahac. Mayroong man~ga maysaquit na anaqui gungmagaling; datapoua,t, ungmuuli rin silang magcasaquit; saca gungmagaling uli, bago humalili na naman doon ang pag-cacasaquit; at mahirap man itong canilang buhay, sila,i, nalalauong di iilang taon, na hindi namamatay.
Cun baga tungmatahan ang pagdahac nang may sibol sa baga, pasipsiping agad nang sin~gao nang tubig na mainit ayon sa turo sa número 53; touing oras bibig-yan nang isang cuchara nang turo sa número 8 at bucod dito,i, painumin nang maraming totoo noong bilin sa número 12; at cun siya,i, nacacacaya, ay lumacad ó sumacay sa cabayo.
Salita Ng Araw