United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinitang Simbaha'y sa Reynang malining na magagaua nang doo'y manalan~gin, isang batóng marmol ay nagpacuha rin at ipinag-utos na pacalinisin. At doon sa guitna'y ipinaukit niya ang pan~galan nang Vírgen Santa María, nang mayari nama'y ipinalagay na sa guinauang Altar na itinalaga.
¡Oh man~ga guilio co na man~ga anác co at sampon sa daluang aquing mga apó, cayo ay cun caya dito,i, naparito dahilan sa cayo,i, ipinatapon co. Man~ga loob ninyo ay pacalinisin ang madlang sigalót sa puso ay ualin, cahit anong samá sa dibdib ay alsin magaling ang siyang pagsamahan natin.
Ang mahal na reina naman ay nagbadyá na tumataguistis ang luha sa matá, ¡oh anác cong bunsó princesa Leonila! patauad ang aquin na nagauang sala. Icao aquing bunso,i, sa pinagdanan mo na hirap dálita,i, pauang tiniis co, cahima,t, masucal ang puso,t, loob mo pacalinisin na n~gayon at magbago.