United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ilan pang sandali sa paghahabulan at nakita nina Martinez na iisa na lamang ang kalesang kanilang nasusundan. At nagtibay sa kanilang paniwala na iyon ang kinasasakyan n~ga n~g makata't n~g mestisa. Ang iba ay nagsiliko marahil sa ibang daan at hindi na nila mabakas. ¡Habol, at malapit na tayo! ani Dr. Nicandro.
Mayroon n~ga po.... ¿Ay saan nagtun~go? Aywan po ba; ang boong asa ko'y talagang ang nasusundan natin. At si Dr. Nicandro'y halos hindi makapagsalita sa pagiihit n~g tawa. ¿Ano, G. Martinez, ibig ninyong magbalik tayo sa Pasay upang matiyak kung siya n~ga o hindi ang ating nakita? ang tanong makailang saglit.
Salita Ng Araw