United States or Latvia ? Vote for the TOP Country of the Week !


=Hindi tinatanggap ang m~ga taksil= "Kung ang han~gad n~g papasok dito'y ang tumalastás lamang n~g m~ga kalihiman nitó, o ang kilalanin ang m~ga naririto't n~g maipagbili sa isang dakot na salapi, huwag magpatuloy, sapagka't dito'y bantaín lamang ay talastás na n~g makapál na nakikiramdám sa kaniyá, at karakarakang nilalapatan n~g mabisang gamot, na laán sa m~ga sukaban."

N~gayo'y naririto't muling umaawit ang iyong makatang inapi't hinapis, habang inaapi'y lalong lumalaki sa dilag mong iyan, ang aking pag-ibig pagka't ang puso ko'y singlawak n~g lan~git. =Saksi=...! Ikaw nga'y dapat kong mahalin nang labis at ukulang tan~gi n~g aking pagibig, pagka't natunayang ikaw'y isang lan~git na di dadalawin n~g m~ga pan~ganib.

Hindi ko matalos kung ang aking puso'y Magbabagong taón sa pagkasiphayo, Ako'y naririto't ikaw ay malayo Na animo'y buwang sa aki'y nagtago. Inaasahan ko n~g buong pagasa Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na, Kung magkakagayo'y iyong makikita Ang maputlang bangkay sa gitna n~g dusa.

Ako'y naririto't pinagsisisihan Ang aking nagawang m~ga kasalanan, Aking babaunin hanggang sa libin~gan Ang hinanakit mo't magagandang aral. Talagang nalisya ang aking pan~garap, Puso ko'y inabot n~g bagyo sa dagat, ¿Ano't ikaw pa n~ga yaong binagabag Gayong ikaw'y isang anghel na mapalad?

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap