United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya, nang aco,i, bago pa dito sa Maynila,i, pinagtatauanan acong parati nang aquing mañga casama, sapagca,t, palaguing aco,i, namamañga sa aquing paglacad. ¡Uala acong di pinagtatachan, uala acong di quinatitilihan! ¡Ang mañga almacen , ang mañga tindahan ; ang mañga castila , na sari-sari ang soot at pañguñgusap; at sa catagang uica, ang lahat-lahat na mañga bagay-bagay, na naquiquita co,t, napapanood co dito,i, para-parang pinagtatac-han co!
Namamañga sila sa paquiquinig nang mañga minamariquit nilang salita ni Próspero sa caniyang mañga sulat, at hindi lamang hindi nila masabi, cung yaong mañga salitang yao,i, mabuti ó masama, cundi, ang masid ni Felicitas, ay minamaigui nila ang lahat, at doon ang quiling nang canilang loob, caya hindi siya sumanguni sa caniyang magulang.