United States or South Africa ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni ang capalarang ito sa caraniuán, ay di ipinagcacaloob nang Lan~git, cun di sa lalaquing may inin~gat na cabanalan. Caya ang babaye,t, lalaqui, magcaca-asaua, ay dapat capoua magtaglay nang casipagan, cabaitan at cabanalan. Sa catagáng uica,i, magsising isa magandang asal at nang magsising-isa naman sa magandang palad. Ang icalabing tatlo, ay houag maibiguin sa malabis na pagmamariquit.

Ang bunying princesa,i, naluhod pagdaca na bumabalisbis ang lúha sa matá, mahal na iná co aco,i, natalaga cabit yaríng búhay n~gayon ay quitlin na. Iná,i, pag hinaho,t, sandaling paquin~gan ang ilang catagang sa inyo,i, tuturan, marapat n~gang aco,i, inyong paratan~gan parusa,i, ilagdá at may casalanan.

Caya, nang aco,i, bago pa dito sa Maynila,i, pinagtatauanan acong parati nang aquing mañga casama, sapagca,t, palaguing aco,i, namamañga sa aquing paglacad. ¡Uala acong di pinagtatachan, uala acong di quinatitilihan! ¡Ang mañga almacen , ang mañga tindahan ; ang mañga castila , na sari-sari ang soot at pañguñgusap; at sa catagang uica, ang lahat-lahat na mañga bagay-bagay, na naquiquita co,t, napapanood co dito,i, para-parang pinagtatac-han co!

Sa catagang uica: hindi pa naboo ang sangtaong arao magmula nang pagcamatay ni cabezang Andrés, ay dinaquip si Próspero nang justicia at piniit sa tribunal, dahilan sa paghahabla sa caniya nang maraming tauo.

Ang balat lamang ang canilang tinitingnan, at hindi nila inuusisa ang nasacailaliman. At nang sabihin co sa catagang uica: ang mag-asaua ni cabezang Andrés ay sila ang tunay na cahalimbaua nang tinatauag naming manga tagalog na manga tauosa una .

Dito sa boong bayang ito,i, uala cayong ibang mariringig cundi manga pagpupuri sa naturan cong manga tauo, palibhasa,i, mababanal sila,t, masimbahin; maauain sa manga pobre at mahihirap na tauo; masusunurin sa manga utos nang Dios, nang Padre Cura, at nang manga Justicia na cung sabihin co sa catagang uica at: ualang-ualang sucat ipagpintas sa canila sa ano pa mang bagay.

Saca sasabihing masasayang lamang tanang guguguling dusa,t, capagalan, idinudugtong pa nang lalong tumibay: «Ito,i, una,t, huling aquing casagutanAt cung maramdamang ibig magtiyaga di na paquiquita,t, magtatagong cusa, cundi macaiuas sasabihing bigla: «Sucat na sa iyo ang catagang uica

Hindi lihim sa bunying Patriarca ang misterio nang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesucristo, yayamang talastas na si Jesucristo ay Dios na nagcatauan tauo, at cusang magpapacahirap at mamamatay, n~g masacop ang tauo, n~guni sa pan~gun~gusap ni Simeon, ay nanariuá at umantac ang sugat nang pusó at parang naquiquita sa sandaling yaon ang pag usig at pagdaquip cay Jesús, ang man~ga tampal at hampas, ang m~ga tinic na ipuputong, ang mabigat na Cruz, at ang m~ga pacó, at sa catagang sabi, ang casangcapang lahat na gagamitin, sa pagpapasáquit sa caniya.

Sa catagang sabi n~ga ay di asal gubat na gaya n~g sabi n~g ibang mananalaysay, cungdi isang ugaling mahal na tangkilikin n~g alin mang lupaing may inimpoc na bait. =Icasampung Pangcat= =Pagkakalakalan.= Ang pagkakalakalan dito na noon pang una'y laganap na bago natuklasan ito n~g m~ga taga Europa ay isa sa m~ga pinakamahalagang bahagi n~g kasaysayan n~g Pilipinas.

Pacatatandaan, na ang isang guinoo, ó mahal na marunong tumupad nang catungculan, tapat na loob sa m~ga caibigan, mapagampon sa man~ga mabababa, maauain sa mahirap, ang ganitong mahal ay ligaya at capurihan nang bayan, at hari nang lahat nang pusò. Sa catagang uica,i, ang tunay na camahalan, ay na sa pagmamahal sa asal, at paggaua nang magaling.