United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapwa't paghakbang ni Eduardo sa loob ng kabahayan ay nagtaka at napamangha siya ng gayon na lamang. Bakit? Ano ang kanyang nakita? kung nababatid lamang niya! Hindi sana siya nagpunta agad kina Leoning, nagdaan muna sana siya kina Pako at magpalipas ng ilang sandili doon. May panauhin pala si Leoning! At, bakit nakikipagngitian kay Leoning? Nanggilalas siyang lalo ng mangusap ang binibini.