United States or Kiribati ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang lahat na nakaalam n~g pagkamatay ni matandang Tacio ay malungkot na nagbibilang n~g araw, at n~gayo'y ikaapat na araw na magmula n~g ilibing ang nalunod. Ang balo n~g namatay sanpon n~g m~ga kasuyó ay naghahandaan upang ipagparasal n~g gabing yoon, kaya, n~ga't nagkatipon sa bahay n~g namatay. Na roon na ang Kapitan, ang Directorcillo, ang Paré, at ang m~ga Cantores ay nagdasal n~g responso, sampon n~g m~ga manang at ang lahat na doroon. Nang matapos ay pawang inanyayahan sa paghahapunan at dina n~ga naluatan at nalilikmo nang lahat sa paligid n~g isang mahabang dulang na kina hahainan n~g mabubuti at masarap na pagkain na ang litson at tinolang manok ay kapiling n~g patis na may dayap at n~g salaang maasim asim. Nang malapit na ang pagkatapos n~g paghapon ay napansin n~g lahat ang isang tinig na nagbubuhat sa gawing itaas n~g palupo na tapat n~g dulang. Ang lahat ay na patin~galá at doon n~ga'y nakita ang duyang may nakalawit na isang paa. Marami ang nagulat at tumakbó, lubh
Salita Ng Araw