United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ipinagsasanggalang ang pintóng iyón n~g ulól na babae, n~g canyáng m~ga payát na bísig at gusamót na ulo, na anó pa't pinapananatili n~g canyáng boong lacás sa pagcásara. ¡Nanay, acó pô, acó pô, acó'y si Basilio, ang inyóng anác! ang sigáw n~g batang hapô na, at nagpacálugmoc. Datapuwa't hindi nagluluwag ang ulól na babae; isinisicad ang canyáng m~ga paá sa lup
Nagpacalugmoc si Sisa sa sahig, tinangnan n~g dalawang camay ang m~ga binti, at tinitigan ang canyang verdugo n~g m~ga matang nacatiric. Dalawang malacas na hagupit n~g látigo sa licod ang pilit sa canyang tumindig, at hindi na isáng daing, cung di dalawang atun~gal ang siyang isinigaw n~g culang palad na sira ang isip. Nawalat ang canyang manipis na barò, pumutoc ang balat at bumalong ang dugò.
Salita Ng Araw