United States or Guatemala ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung kapagkaraka'y gayak na siya, mawiwika nitong talagang sinadya niya ang gayong pagbibihis. Naglabas na naman n~g iba: ang isa sa kanyang pinakamagagarang pangbahay ang napiling kunin. At gaya n~g una, ay isaisang inilaglag ang kasuutang nasa katawan. N~guni't hindi rin tumama sa kanyang loob ang damit na huling pinili, kaya't di na naman ipinagpatuloy ang pagsusuot.
Nahahabilin sa sulat na ito ang lahat kong pagasa, ang nanghihin~gapos niyang wika, kapag nabigo pa ako rito ay tapos na sa akin ang lahat.... Kapagkuwa'y naglabas n~g isang munting sobre, ito ay sinulatan, tuloy diniktan n~g nauukol na selyo, at noon di'y tumawag n~g isang utusan upang ipahulog sa koreo ang kanyang ginawa.
Salita Ng Araw