United States or Guyana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isinagót ni don Juan yao'i, sucat mong asahan, cun aco'i, iyong mapatay pagsil-in ang aquing bangcay. Anang gigante at badyá cun gayon ay lalaban ca, hinauacan capagdaca ang espada't, naghamoc na. Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, ay napatay ni don Juan ang giganteng tampalasan. Anang príncipe at badyá ó mariquit na princesa, anong hinihintay mo pa at di pa umalis quita.
Nang capoua uala nang sandata,t, naghamoc dalauang bayaning lumilipad halos; ang suntoc at sicad caquila-quilabot, na daig pa mandin ang taga at ulos. Ang init nang arao di pa dinaramdam nang pamulan nila itong paglalaban hangang sa mataas di pa nagtatahan at nang mag-uauagui dili maalaman.