United States or Denmark ? Vote for the TOP Country of the Week !
Binatang Romeo'y caya n~g alisin, sa iba'y gumaya ang taquip na itim sa muc-ha't pagsicab ang lahat na tin~gin, nagsipanguilalas sa dalauang dahil: Ang una'y sa ganda na calugod-lugod macamasid bangcay cung hindi iirog at ang icalaua pagcat capamooc ni Montescong ama sa piguing may handog.
Na sa palacio ay nan~gatahan silang hustong tatlong araw, caya n~ga't nakita, ang dalagang ualang catulad nang ganda at ualang pangdamdam ang di maligaya. Ang tabas nang muc-ha't tindig nang catauan anhin mo'y guinaua nang balitang camay, mata'y cung ititig at iyong pagmasdan ay bató nang pusò ang di matiguilan.