United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
Macaraan ang ilang minuto, maniniclohód cami saharapán nang larauan nang ating Pan~ginoong Jesucristo at ni Guinoong Santa Maria, ihahayin ang púso sa pag lilingcód sa Dios sa arao na yaon, hihin~gi nang gracia na icaiilag sa casalanan.
Maniniclohód nang boong galang sa harapán nang Dios, magdarasál nang rosario, at houag tularan ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala, nacabucá ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan.
Pagcaoc nang tubig na bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,t, cautusán, na cun may casamang mahal ó matandá, ay dapat ialay. Pagca tapos, ay lalacad at maniniclohód sa harap nang Santísimo Sacramento; ang iba,i, magdarasál nang rosario, ang iba,i, may hauac na libro sa camáy at dinadasál ang man~ga panalan~ging ucol sa pagsisimbá.
Salita Ng Araw