United States or Afghanistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong librong quinasusulatan nang man~ga paraan nang pag-gamot sa man~ga maysaquit ay gaua nang totoong dunong na tauo na si Tissot ang n~galan, at inialay niya sa man~ga maysaquit na nagtatahan sa buquid ó sa man~ga nayong malalayo sa bayan.
Capag banta mong bumili cun bumasa nang anomang libro, munti ma,t, malaqui man, nang diariong may man~ga lamina,t, uala, nang auit man, tula man, maguing limbag maguing sulat camay, ay bago mong bilhin ó basahin ay dapat mong usisain muna cun baual, cun dili caya; ó cun dapat maguing baual sapagca,t, masama . Ang pag-uusisa nito,i, nacacailan~gang siyasatin mo cun ang librong bibilhin ó babasahin ay natatamaan nang alin man sa man~ga pitong utos na paraang pagcacaquilanlan nang man~ga librong dapat na ipagbaual, na =baual= na talaga; at ang lalong maigui sa lahat ay magtanong ca sa Confesor, cun sa Cura caya, cun sa canino mang banal na sacerdote; at ang paraan na ito,i, lalong magaling, sapagca,t, malalayo ca sa pan~ganib nang pagcacamali.
Salita Ng Araw