United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pagpapagunita sa iyo, tan~gi sa aking m~ga sinabi, na ang pangusap n~g kapatid, gaya n~g sa magulang, ay nakatataba sa puso n~g pinan~gun~gusapan. Maipalalagay mo na ang tanang ibig mong ipalagay; datapwa't ang sinasabi ko naman, Tirso, ay mahirap nang magtagal ako sa bahay na iyon. ¡Kung narinig mo sana ang m~ga salita niyang halos masasabing pagtataboy sa akin!
¿Pariyan ako sa m~ga araw na ito? Iyan ang hindi mabuti. Maipalalagay niyang tayo ay naninikis.... Huwag ka sanang mabiglain. Ang galit n~g kapatid ay pagmamahal. Kung hindi ka minamahal, ay di ka kagagalitan.... Isang araw ay masok tayo kahi't sa aling sine at doon natin pagusapan. Ikaw ang bahala: pasama ka kahi't kay Dioni, kung nan~gan~gamba ka nang makipagniig sa akin n~g sarilihan.