United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naipahayag mo na ang iyong loobloob.... Maupo ka sanang muli't may sasabihin pa ako.... Dili ang hindi nanumbalik na lumikmo ang dalaga. O eh ¿ano n~gayon? ang tanong na tila nakapangyayari. Elsa, dahil sa kahalagahan n~g bagay na ipinaghihintay mo sa akin n~g pasya, ay ibig ko sanang ipamanhik sa iyong pagusapan natin ito n~g lalong mahinahon.... ¡Pshe! Siya n~ga, Elsa.
M~ga kasama: ang malakas na wika ni Mauro, ¡Tayo'y huminusay! Pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin n~g boong kalamigang loob. ¡¡Welga!! ¡¡Welga!! ang ipinaghuhumiyaw din n~g marami. ¡¡Tayo'y magsiaklás...!! ang ulit n~g ilan. ¡¡Magsiaklás!! ang tugón n~g lahat. Ang lahat ay magagawa ang tugóng malakas din ni Mauro subali't, kailan~gan nating pagusapan muna ang m~ga paraang gagawin.
At pagkahawak sa telepono'y tinig n~g babae ang kanyang narinig. Si Silveira n~ga po itong kausap ninyo. ¿Sino po ba naman sila? ¡Ah, ikaw pala, Elsa! Oo, natanggap ko. ¿Kung kailan mo tatanggapin ang sagot? Ang ibig ko sana ay sagutin kita n~g harapan sa isang pagniniig ... ¿Paiirugan mo ba ako? Kung kailan ka may panahon ay tumipan ka't ating pagusapan ang bagay na iyan.
Salita Ng Araw