United States or Oman ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nanglúlumo si Ibarra. Nagpatuloy si María Clara: ¿Anó pa ang nálalabi sa akin? ¿masasabi co ba sa iyo cung sino ang aking amá, masasabi co ba sa iyong humin~gi ca sa canyá n~g tawad, sa iyó pa namáng anác n~g pinapaghirap niyá n~g hindi cawasa? ¿masasabi co ba sa aking amá na icaw ay patawarin, masasabi co ba canyáng acó'y canyáng anác, acó pa namáng pinacahan~gadhan~gád niyá ang aking camatayan? ¡Walâ na n~gang nálalabi sa akin cung hindi ang pagtitiis, in~gatan co sa sarili ang lihim at mamatáy sa pagpipighati!... N~gayón, caibigan co, n~gayóng nalalaman mo na ang buhay n~g iyong abang si María, ¿mangyayari pa bang maidulot mo pa sa canya iyáng pagpapawaláng halagáng n~giti?
" Halamang walang pakinabang, kailan ma'y di mamamatay " at ang himutok na tinukoy ay naguing sumpang iniukol n~g m~ga nahuhuli sa ano mang bagay na walang maidulot na kapakinaban~gan. Isa pang halamang lubhang nanghahaguay na may masagananang bun~ga, ang hindi rin pakinaban~gan at siya namang pinag-uukyabitan n~g halamang "ikmo".
Salita Ng Araw