United States or British Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cayo man~ga binata ang inaalayan co nitong munting bun~ga nang pagod, cayó ang aquing tinutun~go, at ipinamamanhic sa inyo na aco,i, pagdalitaang dinguin. Cayo,i, bagong natuntong sa pintò nitong malauac na mundó, gayac na paguitna sa mundó, ay dapat magsimpan nang gagamitin sa guitna nang mundo.
Sucat pang hinuhaan nang maibiguin sa viciong ito. Ang icasampuong cahin~gian, ay capoua hindi masaquim sa salapi at di naman sambulat. Ang cailan~gan ay bait na icaquiquilala nang panahong tapat na ipagimpoc, at panahong ipagpapaquita nang magandang loob. Ang masaquim sa salapi ay salat sa pagibig sa Dios, at malupit sa capua tauo; at ang di marunong magsimpan naman, ay malapit sa paghihirap.