United States or Sierra Leone ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi na po kailangan ang isinagot naman ng ating binata. Ah, mabuti sa iyo ang magbakasion sapagka't ang ipinangkakaganyan mo ay hindi bagay ang panahon dito sa =Maynila=. Anong hindi bagay ang panahon sa Maynila? Si Eduardo ay malwat nang naninirahan dito, sa ngayon lamang hindi babagayan ng panahon? ¡Oh! ang lahat nang iyan ay hindi nalalaman ng ating manggagamot.
Kaya minsan ay sinabi na tuloy sa kanya ng manggagamot na si Dr. Velasquez, na, siya ay magbakasion sa malalamig na pook, sa mga pook na hindi mainit. Magpunta siya sa mga malalamig na pook upang makasagap ng mabuting simoy ng hangin. Kailangan ang ikaw ay magbakasion sa malamig na pook, tulad sa Los Banos, sa Bagyo, sa Lukban, sa Sibul, o dili kaya ay sa may ibang bahaging malayolayo sa siudad.