United States or Burkina Faso ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang man~ga bagay na ito,i, aquing pagdili dilihin, ay nagaalan~gan aco, natatacot tumangap nang isang mabigat na pasán, na hindi co masabi na macacayanang dalhín.
Gayon man, cun ang magulang ay quinacasihan nang gracia nang Dios, mabigat man ang catungculan ay macacayanang pasanin. Caya catatauag sa Dios cayong mag asaua. Tinangap ninyo ang Santo estado nang matrimonio, cruz ni Jesucaito na inyong ipinan~gacong pasanin, ang daquilang catungculang calangcap, ay di carampatang ariing mabigat.
»Ang pananagano sa Ina nang aua »ay palaguiin mo sa puso at dila, »siyang pagsacdalan sa hirap, dalita »habang nabubuhay sa balat nang lupa. »At ang balang duc-hang sa iyo,i, dumulog »ay paquitaan mo nang magandang loob, »houag mahinayang masayang iabot »ang macacayanang ipagcacaloob.
Ang caran~galan, sa caraniuan, ay may calangcap na mabigat na catungculan, caya bago pahicayat ang loob nang tauo sa pagnanasa nang caran~galan, ay ilin~gap muna ang mata sa catungculan, at pagtimbangtim, ban~gin cun macacayanang pasanin.