United States or Caribbean Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Yaong paghahari ay cusang linisan nang mapambulos yaong calooban, nang pananagano sa Dios na tunay na may lic-ha nitong buong sangtinacpan. At alam n~ga niyang ang lahat nang tao ay ualang pagsalang iiuan ang Mundo, ang dan~gal at yama'y cahima't gaano lilisani't pauang catulad ay asó.
»Ang pananagano sa Ina nang aua »ay palaguiin mo sa puso at dila, »siyang pagsacdalan sa hirap, dalita »habang nabubuhay sa balat nang lupa. »At ang balang duc-hang sa iyo,i, dumulog »ay paquitaan mo nang magandang loob, »houag mahinayang masayang iabot »ang macacayanang ipagcacaloob.
Cusang pinag-ayos na pinakarikit at madlang pamuti ang doo'y guinamit, doon nanalan~ging taimtim sa dibdib sa n~galan nang Vírgen matá'y nacatitig. Nang pananagano nang mahal na Reyna sa Dios na Poon at Vírgen María. marami rin n~gang sa caniya'y gumaya na nagsidalan~ging nanicluhod sila.