United States or Ireland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya ang carampatan ay malasin nang magulang ang cahinguilan nang anac, at sacá ilagay sa estado na caniyang guinahihinguilan. N~guni hindi carampatan na ipag dumali, catatauag muna sa Dios ang magulang, at nang maquilala cun alin ang estadong ibibigay sa anac, at nang houag mag camali.

Magpilit, ca namang mag hauac nang loob, umilag sa malaquing cagalitan, at baca mo icapahamac. Pag saquitan mo naman, Amadeo na houag maca pag bigay dalamhati cay Feliza: icao at siya,i, catatauag sa Dios at cay Guinoong Santa María, na in~gatan ang buhay nang inyong anac, at nang magcamit nang Santo Bautismo.

Cayong magasaua, Feliza at Amadeo, ay catatauag sa Dios na i-adya sa pagaauay. Dinguin mo ang casunód na Sinasabi nang beato Juan Exolto na may isang lalaqui na may asaua na nabuhay sa casalanan, pinan~gan~garalan siyang palagui nang caniyang esposa, palibhasa,i, may loob sa Dios; n~guni hindi maquinyig. Sinunód nang lalaqui ang hatol nang babaye.

Gayon man, cun ang magulang ay quinacasihan nang gracia nang Dios, mabigat man ang catungculan ay macacayanang pasanin. Caya catatauag sa Dios cayong mag asaua. Tinangap ninyo ang Santo estado nang matrimonio, cruz ni Jesucaito na inyong ipinan~gacong pasanin, ang daquilang catungculang calangcap, ay di carampatang ariing mabigat.