United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin yaong hatol ni San Agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid ay sa bait. Caiin~gat at ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot.
May maquiquita ca naman, na pagpanhic sa bahay, ang sombrero,i, na sa ulo, ang baston ay di mabitiuan; di nagpupugay sa may bahay, pagbucá nang bibig ay nacatutulig, at pagsasalita,i, siya ang marunong, siya ang may bait siya ang matapang, ang mayaman at mahal na asal; bago,i, na ang pang-sira sa piguing na paris niya. Ang lahat na ito ay sucat ilagan.
Salita Ng Araw