United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa mahusay na pag-lacad nitóng príncipeng marilág, sumapit siyang liualas sa cahoy na Piedras Platas. Nang maquita ni don Juan yaong cahoy na malabay, loob niya'i, natiguilan sa gayon ngang cariquitan. Naualá sa ala-ala yaóng bilin sa caniya, parang naencanto siya sa cahoy niyang naquita. Sa caniyang pagmamalas sa dahong nagsisiquintáb, gayon din naman ang lahat na anaqui'i, guintóng uagás.
Salita Ng Araw