United States or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Hindî cásiya ang isáng dáa't limampô, kinacailan~gang gumugol n~g isáng dáa't anim na pô! ang itinutol n~g isáng matigás ang úlong conservador. ¡Itític pô ninyó, guinoong director, ang dalawang daang pisong iniuucol sa teatro! ani Don Filipo. Iniaanyaya cong makipagcayárì sa comedia sa Tundó upang magpalabás sa pitóng gabíng sunod sunod.
¡May dalawang daang piso acó, limampong piso laban sa apat na po! ¡Hindi! ani Brunong waláng alinlan~gan; magdagdag pa cayó ... ¡Magaling! limampo laban sa tatlompo! ¡Lambalin ninyó cung inyóng ibig! ¡Magaling! ang búlik ay sa aking pan~ginoon at bago acóng capapanalo; isáng daan laban sa anim na pong piso. ¡Casunduan! Maghintay cayo't cucuha acó n~g salapi.
Paimis na sila'y pinagmamasid ni Lucas n~gumin~giti n~g n~giting malupit, pinatutunog ang m~ga pisong pilac, dumaan siya sa siping n~g dalawang magcapatid, at saca siya sumigaw nasa "Rueda" ang tin~gin: Narito ang limampo, limampu laban sa dalawampo, ¡sa puti! Nan~gagtitigan ang magcapatid.