United States or South Africa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa mungkahi ni Martinez, ay minarapat n~g dalawang makikisig na binatang kabilang sa, hanay n~g m~ga nabibighani n~g dilag ni Elsa n~guni't di nagtatamong pala, na magtuloy sa isang bar sa Santa Cruz upang kung mangyayari'y lunurin ang malaking pagkabigong kanilang kinamtan sa loob n~g ilang kopita n~g alinmang inuming pumapaso sa lalamuna't dumadarang sa diwa.