United States or Latvia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang itinuro sa atin n~g m~ga "fraile" ay ang maling pananampalataya na nakikilala sa pagdaraos n~g sunod-sunod na m~ga pistá na kinahuhulugan n~g ating salapi at kayamanan sa kapakinaban~gan n~g m~ga "fraile" at Kombento.
Napapansin din n~g m~ga "fraile" na ang pasok n~g salapi sa simbahan ay umuunti, sanhi sa kagagawan n~g m~ga mason na nagtuturo sa bayang iwanan ang patay sa loob n~g simbahan at huwag magbayad n~g anoman. Itinuturo rin naman nila na huwag bilhin ang m~ga kalmen, ang m~ga kuwintas, ang m~ga kandila, ang m~ga istampá, ang m~ga bula, ang m~g novena, na kinakalakal n~g kombento.
Ukol sa ikatlong tanong: Na ang madlang kasamaang binanggit sa m~ga naunang tanong ay malulunasan; ang m~ga lupang malalawak na inangkin n~g m~ga kombento sa ating m~ga ninuno ay mapapasaulî sa bayan; ang m~ga mamamaslang ay maibubulid sa ban~gin n~g kamatayan; ang m~ga paring kababayang sina Gomez, Burgos at Zamora ay maipaghihiganti at ang kalayaan at kasarinlan n~g Bayang Pilipino ay matatamo sa hinaharap kung ang m~ga kasapi ay maypagasa, tiyaga, tapang at pagkakaisa sa pagsunod sa m~ga aral at pasyá n~g "Katipunan."