United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pangahas na laláki! Isáng matindíng halík at isang mahigpít na yákap ang pagdáka'y ninákaw sa bulaklák na yaon ng Kasilangánan. Mabuti na lang at wala silang saksi! Si Gerardo'y umuwî noon na taglay ang dalawâng pagwawagíng magkaibá ng urì: Tagumpay lában sa kasikismo ng isang pinunò at tagumpay lában sa pulutóng ng mga naggigilásang kandidato sa kamáy ni Elíng. Kulóng na kulóng sa kanyáng silíd.