United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang sariling kapakanan at kagalin~gan n~g bawa't isa sa atin ay kailan~gang isailalim sa kapakanan at kagalin~gan n~g marami upang ang kabusabusan ay mawala at lumiwayway sa Silan~ganan n~g bayang manggagawa ang mabiyayang araw n~g Katubusan. M~ga kamanggagawa: Isigaw nating: ¡Mabuhay ang aklasan! ¡¡Mabuhay!! ¡¡¡Mabuhay!!! ang sigawan n~g lahat. Sino man ay walang magtataksil. ¡Wala ni sino man!

Lalong hindi ko matatanggap ang sinabi ninyong iyan; sapagka't nananalig pa rin ako, na samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalin~gan n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas ay di isinasailalim n~g kapakanan at kagalin~gan n~g marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway n~g katubusan ay di mamamanaág ...

Anopa't sa ganang kanya, sa ganang kay Maurong nagdaramdam sa namamalas na kaapihan n~g madlang kilusang manggagawa, ang m~ga ito ay malimit lamang na gawing hagdanan n~g ilang mapagimbot at nagkukunwaring tagaakay nila at upang makaakyat sa tugatog n~g dan~gal at katungkulan, dan~gal at katungkulang gagamitin lamang sa sariling kapakanan at kagalin~gan.

Salamat, kasamang Pablo; pinasasalamatan ko n~g marami ang iyong mabuting han~gad; subali't ipahintulot mo, na sabihin kong hindi ko matatanggap kailan man ang anomang han~garing makapagpapabuti lamang sa aking sarili, n~guni't sa kapan~ganyayaan naman n~g marami. ¿Bakit mo iisipin at aalalahanin ang kapakanan n~g iba? Sukat mong alamin, kasamang Mauro, na ang inyong aklasan ay di magtatagumpay.

Kung sa bagay ay dapat na sana naming ipagdamdam ang iyong m~ga binitiwang pan~gungusap; n~guni't ipinagpapaumanhin na namin, sa paniniwalang makukuha pa rin namin na ikaw ay maliwanagan, at sa huli ay makikilala mo ang kahalagahan n~g aming layon. ¡Salamat! Subali't, huwag na kayong magpagod ang matigas ding tugon ni Mauro. Alalahanin mo, na ang sarili mong kapakanan ang siyang dapat unahin.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap