United States or Western Sahara ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung kaya, maaaring sabihing sa maikling kasaysayan ay nakuhang ilarawang ganap ng kaibigang Arsciwals ang samang magpahangga ngayo'y siyang tunay na sanhi ng pagkaunsiyaming kalungkotlungkot ng halamang tanim ng mga de los Reyes, Lope K. Santos at H. Cruz at inalagaa't inaalagaan ng mga J. Kalimbas, D. Ponce, F. Mendoza, mga Soriano, A. de Jesus, C. Evangelista, P.H. Santos, G. Masangkay, A.P. Gonzales.
Aling bagay pa kaya ang kalungkotlungkot gunitain sa isang damdamin paris ng maulila sa pagiibigan? May masakit pa kaya sa isang pusong may malinis na pagibig paris ng limutin ng kasintahan? May puso kayang makapagtitiis na hindi lumuha dahil sa paglimot ng isang sinanglaan ng wagas na pagibig? Aling puso ng babai na may malinis na pagibig ang hindi maghimutok sa paglimot ng isang irog?