United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Ang gobernadorcillo bagá cayâ? Itó'y isáng cúlang palad na hindî nag-uutos, siyá ang sumúsunod; hindî nacapagmúmura canino man, siyá ang minumura; hindî nagágawa niyá ang maibigan, guinágawâ sa canyá ang calooban n~g ibá; ang capalít nitó'y nanánagot siyá sa Alcalde mayor n~g lahát n~g sa canyá'y ipinag-utos, ipinagawâ at ipinatatag sa canyá n~g m~ga ibá, na para manding nanggaling sa bun~gô n~g canyáng úlo ang lahát n~g iyon; n~guni't dápat sabihin, sa icapupuri niyá, na ang catungculang canyáng háwac ay hindî niyá ninacaw ó kinamcám: upang tamuhi'y nagcagugol siyá n~g limáng libong piso, at maraming cadustâan, n~guni't sa napapakinabang niyá'y canyáng inaacalang murangmura ang m~ga gugol na iyón.
Hindi nga nangyari ang panukala ng mag-sasapatos; wala naman siyang dala, liban na sa dalawampung kopek na kanyang nasingil sa pagtatagpi ng isang valenki na sa kanya'y ipinagawa. Sa sama ng kanyang loob ay napasa isang tindahan ng alak at iniinom ang kanyang dalawampung kopek saka yumaong walang dalang katad.