United States or Sri Lanka ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang lahat na naquiquita niya,t, naririñgig tungcol cay Próspero, ay tinitiis niya sa caniyang sarili, at sa Pañginoon Dios inihahain. Sasabihin co na ang lahat sa mañga catagang uica. Ang lagay ni Felicitas sa panahong yao,i, siyang-siya nang lagay nang isang macetas , na hindi dinidilig na nalalanta,t, nalalanta, natutuyo,t, natutuyo at sa calauna,i, namamatay.
Sa pag didili-diling ito i, di caguinsa guinsa,i, napaimbulog ang pag iisip co, icao ang hinanap sa loob nang halamanan, sinundan sundan ca at napanood cong mamumuti nang bulaclac, pinag salit salit, pinag tama tama ang sari-saring culay, guinagauang ramillete: saca co naquita na inihahain sa maalindog na reina nang rosas, ni Urbana, rosa naman sa calinisan.
N~gayo,i, naqui-quita cong bucás ang dibdib mo, at natatanao co ang malinis mong puso, na naquiquibagay sa sacerdote na inihahain mo nang boong pagibig, ang Dios nang pagibig na hauac sa camay, at iniaalay sa di matingcalang Ama, alaala,t, galang sa mataas niyang capangyarihan, na ipinag-hahari sa sangdaigdigan.