United States or Denmark ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang cahulugan n~g sabing indolente ay ang táong hindî napupucaw ang loob sa m~ga bagay na sa iba'y nacasakit. Ang walang malasakit sa ano man, ang mabagal, ang tamád.
Tunay n~ga ang sagót namán n~g bulilít na lalaking siyang binangguit ¡hindî po cayó macacakita sa alin mang panig n~g daigdíg n~g híhiguit pa sa pagca indolente n~g indio, sa alin mang panig n~g daigdíg! ¡Ni iba pang lalong napacasama n~g asal na pinagcaratihan, ni iba pang lalong hindî marunong cumilala n~g utang na loob! ¡At n~g ibang lalong masamâ ang túrò!
¡Ohó! ¡M~ga cainguitan! ¡Itanong pô ninyo cay guinoong Laruja na nacakikílala rin sa lupaíng itó; itanong ninyo sa canya cung may m~ga catulad ang camangman~gan at ang pagca "indolente" n~g indio!
Salita Ng Araw