United States or Cambodia ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Ohó! ¡M~ga cainguitan! ¡Itanong ninyo cay guinoong Laruja na nacakikílala rin sa lupaíng itó; itanong ninyo sa canya cung may m~ga catulad ang camangman~gan at ang pagca "indolente" n~g indio!

Síno ang sa iyo'y nagsábi ang tanong n~g Capitán General na n~gumin~gitî. Narin~gig co cay Laruja, na siyáng nagbabalit

At ¿alín ang lupaíng lalong naibigan ninyó sa Europa? ang tanóng n~g binatang mapulá ang buhóc. Pagcatapos n~g España, na siyang pan~galawá cong Báyan, alín man sa m~ga lupaín n~g may calayâang Europa. At cayó pong totoong maraming nalacbáy ... sabihin ninyó, ¿anó ang lalong mahalagáng bagay na inyong nakita? ang tanóng ni Laruja. Wari'y nag-isíp-ísíp si Ibarra.

N~guni't ¿masasabi ba ninyo sa akin, guinoong Laruja, cung anóng tao cayâ ang may arì n~g bahay? ang tanóng n~g binatang mapulá ang buhóc. Aco'y hindî pa naipapakilala sa canyá . Ang sabihana'y umalís daw, acó ma'y hindi co pa siyá nakikita. ¡Dito'y hindî cailan~ganang m~ga pagpapakilala! ang isinabád ni Fr. Dámaso, Si Santiago'y isáng táong mabaít.

¿Gaano pong panahóng nápaalis cayó sa lupaíng ito? ang tanóng ni Laruja cay Ibarra. Pitóng taón halos. !Aba! ¿cung gayó'y marahil, nalimutan na ninyó ang lupaíng ito? Baligtád ; bagá man ang kinaguisnan cong lupa'y tila mandin linilimot na acó, siyá'y laguì cong inaalaala. ¿Anó po ang íbig ninyóng sabihin? ang tanóng n~g mapuláng buhóc.