United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bininyagan si Jose Rizal n~g araw n~g sábado, icadalawampo't dalawa n~g Junio n~g 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo at cura-párroco sa bayang Calambâ ang sa canyá'y nagbinyag, at si G. Pedro Casañas, páring clérigo at tubô sa Calambâ, ang sa canyá'y nag-anác sa binyág. Capowa namatáy na ang dalawang páring itó.
"Carapatdapat pagsiyasating magalíng-ani Guinoong Javier Gómez de la Serna naman ang cataohan ni Rizal. Nabuhay na tatlompo at limang taón: naliguid na niya ang daigdig pagganap niya n~g icadalawampo't pitong taón; siya'y médico, novelista, poeta, político, filólogo, pedagogo, magsasacá, tipógrafo, políglota, (mahiguit na sampong wicâ n~g iba't ibang bayan ang nasásalit