United States or Comoros ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindî camalîan ang capaniwalaang bawa't tao'y nagpápalagay, na ang lahát n~g capowa niya tao'y tulad sa canya ang damdamin at panucál

Bininyagan si Jose Rizal n~g araw n~g sábado, icadalawampo't dalawa n~g Junio n~g 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo at cura-párroco sa bayang Calambâ ang sa canyá'y nagbinyag, at si G. Pedro Casañas, páring clérigo at tubô sa Calambâ, ang sa canyá'y nag-anác sa binyág. Capowa namatáy na ang dalawang páring itó.

Totoong maliwanag, sa caramihan n~g ilaw, ang catapát na báhay sa cabiláng ibayo, at dumárating hanggáng sa canyáng "cuarto" ang m~ga masasayáng tínig n~g m~ga instrumentong may cuerdas ang caramihan. Cung hindî totoong guló ang canyáng isip, at cung siyá sana'y maibiguíng macaalam n~g m~ga guinágawâ n~g capowâ táo'y marahil ninais niyáng mapanood, sa pamamag-itan n~g isáng gemelos , ang nangyayari sa kinalalagyán n~g gayóng caliwanagan; marahil canyáng hinan~gâan ang isá, riyán sa m~ga cahimáhimaláng napapanood, isá riyán sa m~ga talinghagang napakikita, na maminsanminsang nátitingnan sa m~ga malalakíng teatro sa Europa, na sa marahan at caayaayang tínig n~g orquesta ay nakikitang sumisilang sa guitnâ n~g isáng ulán n~g iláw, n~g isáng bumúbugsong agos n~g m~ga diamante at guintô, sa isáng cárikitdìkitang m~ga pamuti, nababalot n~g lubháng manipís at nan~gan~ganinag na gasa ang isáng diosa, ang isáng "silfide" na lumalacad na halos hindî sumasayad ang paa sa tinatapacan, naliliguid at inagaapayanan n~g maningning na sinag: sa canyáng pagdatíng ay cusang sumisilang ang m~ga bulaclác, nagbíbigay galác, ang m~ga sayáw, nan~gapupucaw ang matimyás na tugtugan, at ang m~ga pulutóng n~g m~ga díablo, m~ga ninfa , m~ga sátiro , m~ga génio , m~ga zagala , m~ga ángel m~ga pastor ay sumásayaw, guinagalaw ang m~ga pandereta, nan~gagpapaliguidliguid at inihahandog n~g bawa't isá sa paanan n~g diosa ang canícaniláng alay. Napanood sana ni Ibarra ang cagandagandahang dalagang timbáng at matowíd ang pan~gan~gatawán, tagláy ang mainam na pananamít n~g m~ga anác na babae n~g Filipinas, na nangguíguitnâ sa nacaliliguid na sarisaring táo na masasayáng cumikilos at nan~gagcucumpasan. Diyá'y may m~ga insíc, m~ga castil

Umalís sa Filipinas si Rizal na nanglulupaypáy ang loob; siyáng cailan ma'y di nag-ibig na magbubò n~g cahi't capatác dugô n~g canyáng capowâ tao'y napagkilala niyang hindî cacaratan ang casarinlán n~g Filipinas cung sa pamamag-itan n~g pagpapabahâ n~g dugô.

Sinarhán ni Sisa ang dampâ at tinabunan n~g abó ang caunting bága sa calán at n~g huwág mapugnáw, túlad sa guinagawâ n~g táo sa m~ga damdámin n~g cálolowa; tacpán ang m~ga damdaming iyán n~g abó n~g búhay na tinatawag na pag-wawalang-bahálâ, at n~g huwág mapugnáw sa pakikipanayám sa aráw-áraw sa áting m~ga capowâ.

Inilagdâ co ang maiclíng casaysayan n~g buhay ni Rizal, sa pagca't uliráng maningning na mapanghihinularan n~g lahát sa pagsinta sa kinaguisnang bayan at sa capowâ tao, sa pagsisicap sa pag-aaral at sa calinisan n~g asal. Ang nagawâ niya'y ¿bakit hindî magagawâ n~g bawa't filipino?