United States or Cyprus ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun man~gan~garal sa capoua tauo, ay babanayarin ang sabi, houag gagahasain, at itama sa oras na mamatamisin sa loob, at di ang sino ma,i, macapan~gan~garal sa caniyang capoua, cun di ang may carapatan, caya bagay-bagay ang man~gan~garal at inaaralan, at ibagay naman sa panaho,t, oras, sapagca,t, cun di magcabagaybagay, ay di macagagaling cun di macasasama ang bibitiuang aral.
Cun magpaquita nang calumbayan ay parang nagsasaysay na siya,i, nananaghili; caya ang quilos at pan~gun~gusap ay iisipin, na ibagay sa touang ipahahayág. Ang tauong nagagalit ay houag aaglahiin, sa pagca,t, lalong magagalit. Ang bata,i, houag man~gan~garal sa matandá cun di may catungculan, at capoua man bata ay di sucat man~garal, cun inaacalang di mamatapatin.